Quantcast
Channel: Bookware Publishing
Viewing all 70 articles
Browse latest View live

A Dose Of You

$
0
0

Lovesick MDs (Book 3 of 4)
By Elise Estrella

     Kung hindi lang niya mahal ang Ninong Larry niya, hindi gagawin ni Dr. Sam Legaspi ang makipaglapit sa anak nitong si Sophia. Mula noong mga bata pa, para na silang mga gamot na contraindication ng isa’t isa. Gayon pa man, dahil concerned siya rito bilang kinakapatid, hindi niya gustong mapariwara ang dalaga. So he did what his godfather asked him to do: bantayan ang babae parati para masigurong hindi ito nagda-drugs at hindi magagaya sa best friend nito na namatay dahil na-overdose sa ipinagbabawal na gamot.
     Pero habang nakikilala si Sophia, parang nalilito siya sa nalalaman tungkol dito. Bakit parang hindi ito iyong sophisticated, party girl, spoiled brat na kinaiinisan niya? Bago pa napansin ni Sam, nalimutan na niyang hiling lang ng ninong niya ang dahilan ng pagsama-sama niya sa dalaga.
     Tinamaan yata siya ng ‘Sophia fever’….


Immune To Love

$
0
0

Lovesick MDs (Book 4 of 4)
By Elise Estrella

     It could be hormone-induced; puwede ring nahawa lang siya ng love virus mula sa kanyang mga kapatid; o totoo lang talaga ang love at first sight. Iyon ang mga naiisip ni Dr. Jordan Legaspi na mga posibleng rason kung bakit gusto niya si Gracie Garcia.
     Pero hindi pa man, basted na siya kaagad sa dalagang NBI agent. Mabuti sana kung broken heart ang dahilan nito kaya ayaw magnobyo, puwede niya pa sanang resolbahan iyon, him being a cardiologist. Ang kaso, hindi. Para kay Gracie, pakikipagrelasyon ang pinakahuling bagay na iisipin nitong pasukin sa dami ng mga bagay na iniintindi nito—namely, ang lola nitong may-edad na, ang pamangkin nitong may autism at ang mga panganib sa buhay nito dahil sa trabaho nito.
     Hindi naman papayag si Jordan na dahil lamang doon ay babastedin na siya ng babae. He was determined—as serious as a heart attack—na mapasagot ang magandang binibini.
     So Gracie should better brace herself….

Doctor Love

$
0
0

By Abby Herrera

     Mula noong fourteen years old siya, crush na ni Yelen si Damon De Guia—ang best friend ng kanyang kuya na halos ampunin na rin ng kanilang pamilya. Kaso little sister lang yata ang tingin nito sa kanya at walang kaide-ideya sa pagsintang pururot niya para rito. Nang lakas-loob siyang umamin noong gabi ng kanyang graduation party, rejection ang napala niya.
     Ngayong nagbalik ito sa bansa, hindi na niya sana gustong makadaupang-palad ito kahit pa imposible iyon.
     Pero ngayong ipi-feature ng magazine nito ang clinic niya, mukhang pahihirapan siya nitong makaiwas. Dagdag sa pagkaasiwa ni Yelen ang kaalamang lalo lamang gumuguwapo si Damon habang lumilipas ang panahon….

Deceptive Heart

$
0
0

By Venice Del Valle

     “One hundred thousand pesos a month, iyan ang offer ko sa ’yo,” tukoy ni Jerick sa suweldong tatanggapin niya bilang private nurse nito.
     Muntik nang mapanganga si Frankie. Halos limang beses ng sinasahod niya ngayon! Ngunit napailing siya pagkatapos. Siguradong may catch ang offer na ito. Naalala niya kung paano niya ito binasted noong college at nanghilakbot siya sa maaaring hingin nitong kapalit. Nagsimula nang maglaro ang kung anu-anong ideya sa utak niya.
     Tumawa ang lalaki; tila nabasa ang iniisip niya. “Tama ka, may kapalit nga.” Isang pilyong ngiti ang pinawalan nito.
     Lalong nanginig ang dalaga. Akala pa naman niya, pagkakataon na niya iyon para mangarap na mahalin siya muli ni Jerick Montemayor….

Cure For A Broken Heart

$
0
0

By Jessie Yannah

     Matapos silang iwan ng kanyang ama noong bata pa siya at maloko ng dalawang lalaki, nangako si Chloë sa sarili na kailanman ay hindi na siya ulit masasaktan pa ng kahit na sinong lalaki. Man-hater na tuloy ang panukso sa kanya ng mga katrabaho.
     Pero simula nang makilala niya ang bagong kasamahang nurse na si Matthew, wala nang gabing hindi niya ito iniisip, at aaminin niyang masaya siya kapag kasama ang binata. Kumbaga, lumambot ang puso niya noong makilala niya ito.
     Gayunpaman, hindi maialis ni Chloë sa sarili ang matakot na masaktan ulit. Kayanin kaya ni Matt na gamutin ang kanyang puso?

The Timid Geek

$
0
0

By Doreen Laroya

     Twenty seconds of stupid bravery made Althea the laughing stock of her high school. She never completely healed from that experience.
     Nang kunin siyang private nurse para sa isang seven-year-old paraplegic child, doon niya muling nakita si Blythe, ang kanyang high school crush at ang bully na nanghiya sa kanya sa harap ng buong
St. Gregory’s Academy. Ito ang ama ng batang aalagaan niya.
     He was a scarred man now—more on the inside than out. She found herself drawn to him once more. Iyon ay sa kabila ng ginawa nito noon sa kanya. Despite the attraction, she tried to avoid him. Pero determinado si Blythe. He used the potent sexual attraction between them as a tool to gain her trust.
     At unti-unti nang nadadarang si Althea.

New Release for My Special Valentine and Pink & Purple!

$
0
0

Want to read the story teasers?

If You Ever Come Back

By Carmela Dawn

     Dahil sa isang maliit na kapalpakan, nasira ang lahat ng pinlano ni Gabby para sa kanyang career. Mabuti na lang at mabait sa kanya ang pa-retire nang boss niya at binigyan siya ng pagkakataon na makapagbakasyon at makapag-relax bago bumalik sa kanyang trabaho.
     Pagkalayu-layo ng resort na itinuro sa kanya ng kanyang boss, pero maganda ang lugar. Maganda rin ang epekto kay Gabby ng kalikasan, lalo pa ng may-ari ng resort, si Danilo. Kaso hindi yata siya nito gusto dahil pagkatapos siyang mainit na halikan, wala itong masabi kundi ‘sorry’.
     Nagdere-derecho na yata ang mga malas ni Gabby sa buhay….

#ChanSing

By isay_pasaway

     Matagal nang secret love ni Ichan ang kanyang kaibigang si Nissy o ‘Ising’. Pero hindi siya makaporma at sa isip ng binata, habambuhay na lang sigurong ‘BFF 5ever’ ang kanyang role at ‘open-ended undisclosed unrequited love’ ang kanilang drama.
     Pero isang pangyayari ang naging dahilan para may matagal na pinagkapigil na gigil na hinalikan niya ang dalaga. Sa isip ni Ichan, baka kagaya kay Sleeping Beauty, matapos mabigyan ng true love’s kiss ay magigising na si Ising… sa katotohanan.
     Iyon nga lang, kabaligtaran ang nakuha niya. Pinadugo ng kaibigan ang kanyang puso kasabay ng pagpapadugo sa nguso niya sa isang suntok.
     Kailangan na siguro niyang sumuko at tanggapin na may mga bagay na ‘not meant to be’, kagaya na lang ng love team nilang ChanSing. Pangalan pa lang, semplang na.

Tamang Panahon

By Maya Bautista

     Mga bata pa sila, mahal na ni Paeng ang kaibigang si April. Pero mahirap lang ang pamilya niya at hindi niya maibibigay rito ang pinakamagandang buhay na karapat-dapat para sa dalaga. Sigurado ring hindi siya magugustuhan ng nanay nito na walang ibang pangarap kundi ang yumaman.
     Kontento na siyang mahalin si April nang palihim, pero isang lalaking guwapo at mayaman ang nanligaw dito at na-realize ni Paeng na iyon na ang tamang panahon para hayaan ang dalagang makatagpo ng tamang lalaki para rito… kahit kalungkutan ang kapalit niyon para sa kanya.
     Para siyang dinurog noon. Hindi na nga kanya si April, pati pagkakaibigan nila ay tuluyan na rin yatang mawawala….

The Day He Took My Hand / One Night Only

By Sydney Robles / Angela Alfonso

The Day He Took My Hand

     Magpapakasal si Beth kay Will dahil sa tatlong dahilan: Una, tumatanda na siya. Pangalawa, for security reasons. Mayaman ito at may matatag na trabaho. Pangatlo, alam niya kung gaano ito kabaliw sa kanya. Hindi inaasahan ni Beth na darating ang araw na mamahalin niya si Will nang higit sa kaninuman.

One Night Only

     Brokenhearted, nagtungo si Cleo sa isang bar at sinubukang uminom ng alak. Naisip niya, babaguhin na niya ang pananaw simula sa gabing iyon. She would be a modern, daring and fun-loving woman. Isang lalaki ang naakit sa kanya, pero mukhang hindi lang pang-isang gabi ang gusto nito!

Fall in Love with Me / Chocolate Factory

By Audrey Torres / Sefah Mil

Fall in Love with Me

      Malinaw kay Adoracion Estella Aragon ang pakay ni Engr. Enzo Martinez sa pakikipaglapit sa kanya: he was doing everything to persuade her into selling her property. Pero hindi madaling pigilan ang umuusbong niyang paghanga para sa lalaki, kahit gaano kaimposible na tunay ang lahat ng ipinakita nito sa kanya….

Chocolate Factory

     Nagulat si Dulce nang bigla na lang siyang halikan ni Jeffrey sa madilim na silid. Pero tila siya binuhusan ng malamig na tubig nang ibang pangalan ang sambitin nito. Buong akala niya ay sa kanya attracted ang binata. Nagkamali pala siya….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!

New Release for My Special Valentine!

$
0
0

Want to read the story teasers?

Moonlight and Harmonica

Love Instruments 3

By Doreen Laroya

     “We can make this last, Sasha. Please give us a try,” pakiusap niya.
     Pero marahan siyang itinulak ng dalaga. “Caleb, no. Ito lang ang kaya kong ibigay sa ’yo. You can have me whenever you want, but it will only be sex. Don’t make it into anything that it’s not.”
     If he were a lesser man, he will accept her proposal happily. Sinong lalaki ang tatanggi sa isang physical relationship na walang commitment? But for the first time in his life, he wanted to commit. He wanted to settle down.
     After years of wandering, Caleb finally found a woman he couldn’t live without. She wanted him, too, but not enough to want a life with him.

I Finally Found Someone

By Edith Joaquin

     Bago pa man sila pormal na nagkakilala, crush na crush na ni Kaye si Marcus Andres. Sinadya niyang supladahan ito dahil ayaw niyang mabuko na gusto niya ito. Kasi naman, ano ba ang gagawin niya sa pagkagusto niya sa binata? Pangarap si Marcus, hindi ito reality. Dahil ang reality, hindi siya girlfriend material—lalo na kay Marcus na panay supermodels ang dine-date.
     Ngayong mayroong ilang araw si Kaye para makasama ang binata sa kanyang probinsya, siguro magiging close sila. Pero para umasa na maging sila? Baka sobra na iyon.

Masquerade

By Arianne Cole

     It was amazingly easy to let her body melt into his… to let herself drift away in a tide of longing and forbidden dreams.
     “Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ni Lolo,” sambit ni Garrett. “I never thought he would resort to something as underhanded as trapping us into this engagement, Candice.”
     The mention of her sister’s name was like a brisk slap to reality, a reminder that Dahlia was nothing but an impostor.
     Gusto niya ang pakiramdam na nakakulong sa mga bisig ni Garrett. Gusto niyang manatili roon habambuhay. But he belonged to her sister. Wala siya ni katiting na karapatan para gustuhin ang alinman sa mga bagay na iyon….

Passion and Prejudice

By Dior Madrigal

     “We don’t like each other, no need to spout bullsh*t. But we need something from each other. May upperhand ka sa sitwasyon natin, kaya nagpapakumbaba na ’ko. Pero hindi ko hahayaang tapak-tapakan mo ang pagkatao ko. Now, ano’ng sagot mo? Do I have your word? A truce?” sabi ni Bella.
     Matagal bago sumagot si Enrique. “Deal. I apologize for the way I behaved the past days.”
     “I accept your apology.” Inilahad niya ang isang kamay. “A truce. A clean slate.”
     Something in his eyes flickered—something hot and raw. Dangerous.
     “A truce.” His voice was a rough caress across her suddenly heated skin. At para siyang kinuryente nang abutin nito ang kanyang kamay. “A clean slate.”
     But the dark heat in his eyes felt more like a warning.

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!


New Release for My Special Valentine!

$
0
0

Want to read the story teasers?

Small Town Love

By Dior Madrigal

     Habang ang lahat ng tao sa lugar nila ay naiilang kay Helga San Jose dahil sa reputasyon ng kanyang ina, kusang lumalapit si Leopoldo Santiago Andrada para makipagkuwentuhan sa kanya. And she swore it was a whole different form of bullying. Kada makikita kasi silang magkasama, nagwawala ang ex-girlfriend nito at gusto siyang sabunutan ng lukaret.
     Pero binigyan siya ng ideya ni Leo. Para raw makaganti sa pambu-bully ng demonyitang ex nito, magiging date siya ng binata sa isang event.
     Ewan kung ano ang pumasok sa isip ni Helga, pero pumayag siya kahit alam niyang para na ring pinagsamang tsunami at radioactive waste ang epekto kapag nagsama ang isang Andrada at isang San Jose….

All Because of You

By Elise Estrella

     Sa edad na twenty-two, pampered princess si Isis sa bahay nila. Para patunayang kaya niyang maging independent, nakipagpustahan siya sa kanyang kapatid na kaya niyang mamuhay sa loob ng isang buwan nang walang suporta mula sa mga magulang, walang credit cards at sampung libong piso lang ang dala para sa upa ng bahay, tubig, kuryente at iba pang gastos.
     Mabuti na lang to the rescue ang kaibigan niyang si Artemis. Nang banggitin niya ang problema, inalok nito nang libre ang condo unit ng kuya nito na dalawang buwan daw mawawala roon. Siyempre, sinunggaban niya ang pagkakataon.
     Kaso biglang umuwi ang may-ari ng bahay na si Ares. Kung hindi uubra sa binata ang charm at pagmamakaawa, haharap siyang talunan at luhaan sa kanyang kapatid….

Saddest Tale in Kota Kinabalu

By Alexie Aragon

     Mula nang ihatid si Siti ng kanyang ama sa Kota Kinabalu, Malaysia ay hindi na ito bumalik. Nang mawalan na siya ng pag-asang darating pa ito ay nakilala niya si Jared, isang Filipino guest sa resort kung saan siya nagtatrabaho. He restored back the hope she had lost. Madali silang nagkahulihan ng loob na nauwi sa matamis na pag-iibigan. Subalit kinailangan nang bumalik ni Jared sa Pilipinas. Gayunpaman, nangako itong babalikan siya.
     Hindi iyon nagkaroon ng katuparan. At naging bahagi ng malungkot na buhay ni Siti ang paghihintay sa dalawang minamahal na wala nang katiyakan kung babalik pa. Wish niya lang huwag siyang magaya sa babae sa folklore na hindi na binalikan ng prinsipeng matagal nitong hinintay….

Viennese Waltz

By Sachi Bliss

     Naghiwalay ang kanilang mga labi at nagtama ang mga mata. Parang may bumangga sa dibdib ni Quade sa nakita kay Odette. Her eyes were completely doped with desire, desperate, wanting, nervous… and someone else’s.
     Shit! Hindi niya kayang gawin ito.
     “What, Quade?” bulong ng babae, halata ang disappointment sa boses nang lumayo siya.
     “Hindi sa may pakialam ako sa puwedeng maramdaman ng boyfriend mo. Frankly, I don’t give a damn especially after what he’s been doing to you lately.” Napabuga siya ng hangin. “But you’re… not mine, Odette. And I’m selfish. When we make love, I want to know you’re not going to worry about someone else.”
     Forget boundaries. He wanted to be her everything, the only one for her….

Safe in Your Arms / Keep Me in Your Arms

By Edith Joaquin / Carla Giopaolo

Safe in Your Arms

     Magtataray sana si Ina kaso nakita niya ang pangalan sa uniporme ng kaharap: Lt. Kyle Magdayao. “Begging your pardon, Sir,” saludo niya.
     He smiled. “I will accept your apology kung papayag kang mag-date tayo.”
     Dahil bawal tumanggi sa senior officer, “Sir, yes, Sir,” ang sagot niya.

Keep Me in Your Arms

     Inakala ni Cate na may espesyal na namamagitan sa kanila ni Michael noong una silang magkakilala, pero ginamit lang pala siya nito para sirain ang political career ng kanyang ama. Tama ngang iwasan siya ng binata. Ganoon ang dapat gawin sa mga babaeng pinangakuan ng pangarap at pagkatapos ay iniwan….

Devil in Disguise / Beyond Innocence

By Liz Carbonell / Doreen Laroya

Devil in Disguise

     Dahil sa kapritso ni Taciana Roldan, nasawi ang kapatid ni Wilfrid. Pero sa halip na ito ang mahulog sa kanyang bitag, nagulat siya nang ma-realize na umiibig siya sa babaeng pinagbalakang paghigantihan.

Beyond Innocence

     Nathan moved closer and caressed her shoulders. “I’ll give you a million. Just make sure I’ll get my money’s worth.”
     Doon natauhan si Vielle. Pangangatawanan ba niya ang sariling hamon, gayong ang kailangan niya mula sa lalaki ay higit sa isang gabi ng pakikipagniig?

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!

New Pink & Purple Release!

$
0
0

Want to read the story teasers?

Paperplane Girl

By Autumn Castillo

     Sabi ng iba, para raw palaso ni Kupido ang boses ni Eustace del Santiago na tumatama sa mga puso ng milyong babae na nakarinig nito. Pero ang personal na alam niya, ang kanyang boses at kanta ay para lamang sa isang tao.
     Alam ni Eustace na walong taong gulang pa lang siya ay may nagpatibok na sa kanyang puso, at inilaan niya ang mga taon sa paghihintay at pag-alala sa memorya ng batang iyon.
     Samantala, hindi pinangarap ng tagapagmana ng leading musical instruments shop sa Pilipinas na maging bingi. Heidi’s life, too, was built under music, and to wake up one day deaf to all music and voice was her greatest loss. At paano niya mahahanap ang lalaking minahal na niya mula noong anim na taong gulang siya kung ang tanging pagkakakilanlan niya rito ay ang boses nito?

Timeless Love

By Jackie Yamamoto

     Sarah married for love. Sa edad na labimpito ay natagpuan na niya ang lalaking nais niyang makasama habambuhay. But married life was not easy, at ngayong limang taon na silang kasal ni James, dumarating sa kanya ang mga pagdududa.
     I’m happy, sinasabi niya sa sarili. Ngunit nang ikalima nilang anibersaryo ay nag-away sila at sa tindi ng kanyang galit, nahiling ni Sarah na sana ay bumalik ang oras sa panahong hindi niya pa nakilala ang asawa. She heard her mother’s voice and she woke up in her old room. She was seventeen again; natupad ang hiling niya.
     Susubukan niyang hanapin ang kaligayahan sa buhay nang wala si James. Kakayanin niya kaya?

Five Days to Fall in Love

By Ella Gualvez

     Yes. Naiintindihan ni Vivian kung bakit maraming may crush kay Alexis Concepcion. Sa hitsura nitong parang Greek god, normal lang para sa isang kaedad niya ang magkagusto rito. Pero hindi siguro siya kasali sa mga nasa kategorya ng ‘normal’, lalo pa dahil bilang tutor ng binata, alam na alam niya na understatement ang tawagin ang kaklase na ‘slow’.
     Pero di-sinasadya, nalaman ni Vivian ang sikreto ni Alex at binura niyon sa isip niya ang lahat ng kanyang prejudice tungkol sa mga cool campus heartthrobs.
     At sa loob lang ng limang araw, na-realize ng dalaga na hindi imposibleng mahalin ito ng kahit sino….

The Diary

By Donatela Monzon

     Sa tuwina, nagpapalipas ng sama ng loob si Angelique sa pagbabasa ng diary na napulot niya sa school. Kapag binabasa niya ang mga pahina niyon, nakakadama siya ng paggaan ng damdamin. Nagsilbi na iyong parang pain reliever sa kanya.
     Sa tulong ng isa niyang kaibigan, palihim nilang hinanap ang may-ari ng diary na kahit hindi niya kilala ay nagustuhan na niya. Kaya nga nagsulat na rin siya sa mga pahina roon ng damdamin niya para sa may-ari.
     Pero sino nga kaya ang may-ari ng diary? Kilala kaya niya? Dalawa lang ang pinaghihinalaan niya: puwedeng si Mark na crush niya, o ang kaibigan niyang si Jayson….

Maby’s Knight

By Mary Loreta

     Six years ago, na-realize ni Maby na hindi na simpleng crush ang nararamdaman niya para kay Knight, kaya lakas-loob siyang nagtapat ng damdamin sa binata. Sa kamalasan, may nobya na pala ito kaya nabasted siya.
     Sa loob ng anim na taon, nagawa naman ni Maby na mag-move on kahit sa isip ay naroon pa rin ang sakit at kahihiyang dinanas niya noon. Mukhang kaya na rin niyang magmahal ng ibang lalaki.
     Pero biglang naroon na ulit si Knight sa buhay niya. At sa pagkakataong iyon, parang interesado ito sa kanya dahil panay ang aya na lumabas sila.
     Kaso natuto na si Maby sa karanasan noong high school at wala siyang balak mabiktima ng maling akala.

Lucky Seven

By Eunice Xyra

     Ipinanganak na malas si Seventina Dimaguiba. Malas siya sa trabaho, sa kaibigan, sa pera, sa lalaki, sa amo, sa lotto, sa jeep, sa ulan, sa putik, at sa kahit na ano. Malas siya sa lahat!
     Then, she met Lucky—ang lalaking sumalo na yata sa lahat ng suwerte sa mundo. Suwerte sa trabaho, sa pera, sa good looks, sa katalinuhan, at lalong-lalo na sa mga chicks! Kaya naman abot hanggang kabilang buhay ang inggit niya sa ungas.
     What happens when Miss Malas meets Mr. Suwerte? Eh, di World War III! Lalo pa’t nuknukan ng yabang at antipatiko si Lucky.
     Hindi sigurado si Seven kung ano ang nangyari, pero namalayan na lang niyang mahal na niya ang sinusuwerteng lalaki.
     Malas niya lang.

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!

New Book Releases!

$
0
0

Want to read the story teasers?

For My Special Valentine, MSV Desire, MSV Uncut, MSV After Dark

Awakening

By Dior Madrigal

     Akala ni Vivien ay erotica ang tema ng biography niya, pero mukhang magiging horror thriller na iyon. A gorgeous stranger—who aroused everything that’s feminine in her—just rescued her from species only movies could give name to and told her she was prophesied to kill an ancient witch.
     Pero naloloka na nga yata siya. Because after her near-death experience, she was moaning and dry-humping a totally and obviously dangerous stranger over the next hour. Ni hindi nga siya sigurado kung pareho sila ng specie ni Samuel!
     Pero wala siyang pakialam doon nang mga oras na iyon. Maaaring hindi maganda ang kanyang coping mechanism, pero mas gugustuhin ni Vivien na malunod sa nakahihilong init kaysa sa mabaon sa nakaliliyong takot.

Dangerous

By Elise Estrella

     Magsisinungaling si Declan kung sasabihin niyang hindi niya pinagnasaan si Antonella noong nagsimula itong magdalaga. Kaya nga siya kumaripas noon ng takbo palayo ay dahil bata pa ito at wala siyang karapatang pag-isipan ito ng kung anu-ano. She was only fifteen that time, damn it! His crush on her back then made him feel like a dirty old man.
     At sa palagay ng lalaki, mali pa rin ngayon ang nararamdaman niya. Respeto na lang sana sa kanyang best friend at sa pamilya Tanseco na itinuring siyang parang tunay na anak na hindi niya walanghiyain ang prinsesa ng mga ito, hindi ba?
     “Kung ayaw mong makipaglaro sa ’kin, pabayaan mo akong makipaglaro sa iba.” Iyon ang sinabi ni Antonella.
     To hell with that! He wasn’t going to allow any other man to touch her.

A Sort of Fairy Tale

By Natalie Trinidad

     After they made love for the first time, Dax already expected that for Gia, they merely had sex. Pero hindi niya inasahang pati doon ay iiral ang pagiging abogada nito. She agreed they could do it again but with no strings attached. Para masiguro iyon, kailangang may rules.
     They are only doing this to relieve tension, to deal with their attraction with each other. Hindi puwedeng mag-demand nang higit pa dahil para sa dalawang taong jaded, overcautious at marami nang pinagdaanan, mas importanteng ma-maintain ang pagkakaibigan at award-winning work partnership nila.
     Should be easy, right? But Dax has been in love with Gia for years and having her now without wanting so much more will never ever be easy.

Final Fling

By Jhoie Poblete

     Liberated si Meralle; carefree at non-committal. Katuwiran niya, kung ang mga lalaki ay puwedeng tumikim ng iba’t ibang babae, bakit hindi siya puwedeng tumikim din ng iba’t ibang lalaki? So iyon nga ang ginawa niya.
     Pero sumulpot ang inggit sa kanyang puso nang malamang engaged na ang isa niyang kaibigan. Mas maganda siya kaysa kay Sophie, pero ito ang nakabingwit ng perpektong lalaki. Instant ang attraction na naramdaman niya para sa fiancé nitong si Resty. Na-challenge din siya dahil parang hindi man lang napansin ng binata ang kanyang kagandahan. So she decided to play she-devil and seduced him. Walang makakaalam at wala ring commitment; ie-enjoy lang nila ang katawan ng isa’t isa.
     Pero nangyari ang hindi inaasahan ni Meralle: na-in love siya sa fiancé ng kanyang kaibigan….

25 Smiles for Seth

By Elise Estrella

     He didn’t cheat on Coleen, mamatay man siya. Hindi ganoong klase ng lalaki si Seth Ledesma. Hindi niya kayang saktan ang asawa at hindi niya ito basta-basta na lang pakakawalan.
     Kaya hayun, binraso niya na ang kanyang misis. Ginamit niya ang clause sa prenup nila na nagbigay sa kanya ng karapatang subukang makipag-ayos sa babae bago ito tuluyang magdesisyon na makipaghiwalay sa kanya.
     Ngayon, mayroon siyang isang buwan para mapangiti muli ang kanyang asawa. Kapag napasaya niya si Coleen, magbabago na rin ang isip nito tungkol sa pagsasampa ng annulment.

25, Hot and Half-Naked

By Ingrid De La Torre

     Tatlong bagay ang garantisadong malas sa buhay ni Calixta na pinakaiiwasan niya—the number 25, hot days in September, and half-naked men. Hanggang sa may natagpuan siyang sulat sa lumang mailbox ng yumao niyang abuela mula sa nagpakilalang ‘Yuan’. Para sa walang malay na ‘Pag-ibig’ ang mensahe na mukhang gusto nitong isumpa nang isang libo’t isang beses dahil sa matinding kabiguan.
     Tingin tuloy niya ay miserable at chararat na kokak ang misteryosong letter sender.
     Sa pangambang baka magpakamatay ang lalaki ay pinuntahan niya ito. And lo and behold, she was welcomed by the three things that she didn’t want to see: house #25, under the hot September sun, and a half-naked demigod na eksaktong kabaligtaran ng iniisip niyang miserable at chararat na kokak.

25 Days Later

By Helene Del Mundo

     Sa pananaw ni Luke Paraiso, hindi dapat ginagawang komplikado ng pakikipagrelasyon ang buhay ng tao. It is complicated as it is already. Kaya ang rule niya, dapat hanggang twenty-five days lang ang pakikipag-date pagkatapos, goodbye na. Sa opinyon niya, iyon ang perfect number of days para ma-enjoy ng isang babae at isang lalaki ang company ng isa’t isa nang hindi nabo-bore at hindi rin ganoon kalaki ang emotional investment.
     Hindi romantic si Tammy Inarez, sadyang curious lang sa buhay. At isa sa nakapukaw ng curiosity ng dalaga ang dating scheme ni Luke. So nag-volunteer itong maka-date niya sa loob ng twenty-five days.
     Hindi iyon seryosohan at para lang silang naglalaro.
     Pero may nangyaring mali. Twenty-five days later, Luke was left with a hollow in his chest and big questions in his mind.

The Last 25 Hours

By Kylie Montiel

     “Nola…” anang binata na may desperasyon sa mga mata. “Alam kong baka kulangin na tayo sa oras o mahuli na ang lahat, pero puwede ba tayong magkita uli? A day before it’s all supposed to end… in that place we both remember. I swear I’ll be there. Please?”
     Ilang segundong nakatingin lang siya kay Zach. A part of her craved for that thrill and wanted to hold on to this feeling for as long as she could. Iyong may aasahan at hihintayin pa siya sa susunod na mga araw at linggo bago magunaw ang mundo. Iyong alam niyang kahit ito man lang ay maging dahilan para gustuhin niyang bumangon sa bawat umaga kaysa hayaan na lang matapos ang lahat.
     But it was indeed an inconvenience, falling in love while the world was just about to end….

25th Blood Moon

By Dior Madrigal

     Mapa-romance, horror, comedy o action man, tingin ni Mary Grace ay hindi siya heroine material. Una, masyado siyang plain. Pangalawa, masyado siyang tamad para maging curious sa mga bagay-bagay. Masaya na siya sa trabaho niya bilang librarian, sa mga Asianovelas, at sa pag-su-surf ng Internet.
     Kaso nasaksihan niya ang pagpatay sa isang werewolf ng isang nilalang na hindi niya alam kung anghel ba, o demon, o miyembro ng X-Men. Sa takot niyang magaya sa werewolf na pinutulan nito ng ulo, nanginginig ang mga tuhod na sumama ang dalaga sa nilalang—na drop-dead gorgeous, FYI—na nagdala sa kanya sa bahay nito.
     Nangako ang lalaking Arrick ang pangalan na hindi siya nito sasaktan; kailangan lang siyang manatili sa bahay nito hangga’t hindi pa natatapos ang blood moon. Kung bakit, wala siyang ideya. Ang alam lang ni Mary Grace, biglang naging komplikado ang dating boring pero mapayapa niyang buhay….

For Pink & Purple and The Balete Chronicles

Wish to the Moon

By Sandy Magno

     Hindi makapaniwala si Lora nang magising siyang katabi ang yumaong asawa na si Eric. Akala niya ay panaginip ang lahat, pero totoo palang buhay ang lalaki. Bigla, naalala niya na humiling siya sa buwan para mabuhay itong muli. Mukhang tinupad niyon ang wish niya.
     Pero may mga tanong sa isip niya. Bakit wala yatang naalala si Eric? At bakit hindi siya nito kilala?
     Sa sumunod na mga araw ay kinuha ni Lora ang tiwala ni Eric. Ipinaliwanag niya sa asawa kung paano sila nagkakilala, nagkagustuhan, hanggang sa maikasal. Naramdaman niyang naniniwala na ang lalaki sa kanya at nahulog na rin ang loob nito sa kanya. Wala na siyang mahihiling pa sa buwan.
     Pero sa likod ng kanyang isip, naroon ang masakit na katotohanang hindi pa niya kayang tanggapin: pansamantala lang ang lahat.

Love Across Time

By A.S. Lava

     Nakatakda na ang araw ng kasal nina AJ at Angela. Pero nagdadalawang-isip siya dahil sa misteryosong lalaking parati niyang napapanaginipan. Pakiramdam niya ay hindi si AJ ang itinadhana para sa kanya. That feeling intensified when she found herself traveling through time where she met Caloy.
     Juan Carlos “Caloy” Dychangco was born in the year 1872. Mahirap ipaliwanag ang misteryo ng paglalakbay pabalik sa nakaraan, pero nagawa iyon ni Angela. Hindi na mahalaga kung dahil sa lumang simbahan, sa antigong mesang ginamit niya o sa diary ni Caloy kaya nagkaroon siya ng portal patungong ibang panahon.
     Right now, all that Angela wants to do is to spend the rest of her life with the man she loves… even if it means leaving her present, her future… and AJ behind.

25,000 Letters

By Althea dela Rama

     Hindi siya anghel, hindi rin si Kamatayan. Isa siyang mailman—iyong mga liham na nakolekta mula sa puso at alaala ng isang tao bago ito mamatay. Ang trabaho niya ay ang ipadala ang mga liham na iyon sa kinauukulan sa loob ng apatnapung araw.
     Sa loob ng ilang taon, maayos na ginagawa ng mailman ang kanyang trabaho hanggang sa makilala niya si Dra. Iris Maravillas, ang bukod-tanging tao na nakakakita sa kanya.
     Isang misteryo sa mailman kung ano ang dalaga at kung ano ang koneksyon nito sa kanya….

The Set-up Wedding 2

By AnanymouslyInLove

     Na-set-up. Nagmahalan. Nasaktan. Iyon ang naramdaman ni Ellen nang malaman ang lihim ni Jude. Ang hirap pala kapag hindi mo kilala ang napangasawa mo. Ang hirap kasi hindi mo kabisado ang ugali nito.
     Hindi sila dumaan sa normal na proseso ng ligawan. Wala silang matibay na samahan. Lahat ay bago para sa kanila. At dahil ngayon lang tuluyang nakikilala ni Ellen si Jude, hindi siya sigurado kung mananatili pa siya sa piling nito o babalik na lang sa dating buhay.
     Pero bakit kapag kasama ang lalaki, hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman niya?

Falling for the Billionairess

By elisestrella

     Siya si Meredith Balajadia, ang twenty-five-year-old Executive Vice President ng Balajadia Industries, ang kompanyang pag-aari ng pamilya niya. Estimated net worth: USD 11.6 Billion.
Ako si Ash Montesines, twenty-five years old, bagong graduate after seven years in college at tatlong beses na pagpapapalit-palit ng course, family black sheep and damn proud of it. Current net worth: Php 1,127.25.
     Ipinasok ako ng ninong ko bilang personal assistant ni Miss Billionairess matapos akong itakwil ng tatay ko. Kung di ko mapapatunayang kaya kong buhayin ang sarili ko sa loob ng anim na buwan nang hindi umaasa sa kanya, ‘goodbye, mana’ na ako.
     I’ve never worked a day in my life, but I’ve never been without money either. Kaya paano ko lalampasan ang challenge na ito sa buhay ko at makumbinsi ang bago kong boss na huwag akong patalsikin matapos ang mga katangahan ko sa opisina niya?
     Simple lang. Lalaki ako at babae si Meredith. You do the math.

Simoun Azul

By xxakanexx

     I need to follow my routine. I need to be organized. I believe that if I have a schedule, everything will fall into place. I was sixteen when I started making schedules. Araw-araw, iyon ang sinusunod kong plano. Nagbabago iyon kapag nagbago din ang setting ng buhay ko.
     Pero ngayon, ang tahimik at boring kong buhay ay nagulo dahil sa lalaking bumaril sa nang-hostage sa akin. Binantaan pa niya akong papatayin niya lahat ng miyembro ng pamilya ko kapag kinanta ko sa mga pulis ang tungkol sa kanya. Murderer, di ba? Pinatay niya ang hostage-taker!
     Sino ba naman ang gugustuhing mapalapit sa kanya? May six-pack abs lang naman siya, nakakatunaw-panty na tingin. Wala akong planong mahulog sa kanya at lalong sirain ang schedule ko.

Alas Tres

By JoeyJMakathangIsip

     Mahiwaga ang oras na alas tres.

     Sa oras na ito, maraming kababalaghan ang nagaganap dahil madalas maglakbay ang kamatayan.

     At ang kamatayan, maraming buhay na kinukuha.

     Nasa librong ito ang anim na kuwento tungkol sa ilan sa mga buhay na kinuha ni Kamatayan sa oras ng…

     Alas Tres

It’s Complicated

By pajama_addict

     One drunken night.
     One chance to profess his undying love.
     One opportunity to be a Romeo…

     But it’s the wrong window.
     It’s the wrong room.
     It’s the wrong girl.

Pinoy Horror Confessions

By Odin Protectus

     Ang mundo ay nababalot ng hiwaga.
     Totoo ba ang lahat ng iyong nakikita? May pagkakataon bang tila pinaglalaruan ka ng iyong mga mata? May nakikitang mga bagay na hindi mo maipaliwanag, na kalimitan ay kasing bilis ding mawala kung paano mo sila kabilis nakita. Sadyang may mga bagay dito sa mundong ibabaw na mahirap hanapan ng lohikal na paliwanag. Karamihan sa atin ay ipinagwa-walang bahala ang mga napapansing mga bagay na gumagalaw o mga pangitaing kakaiba. Pero ang ilan, na mas sensitibo at mas mapang-obserba, ay may natutuklasang kakaiba sa mga bagay na mabilis lamang na hahagip ng ating mga mata.
     Kung ikaw ay kasalukuyang nag-iisa sa iyong kinaroonan, bakit hindi mo subukang makiramdam sa iyong paligid? Malalaman at mararamdaman mo na hindi ka nag-iisa, nariyan lamang sila, nakamatyag at nag-aabang…

     Real-life tales of horror, urban legends, and chilling ghost stories. they’re all here!

     Prepare to be terrified!

Discuss these books and more at our Facebook pages: My Special Valentine and Pink & Purple!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!

New Release for My Special Valentine!

$
0
0

Want to read the story teasers?

No Other You

By Sachi Bliss

     “You should’ve told me. Madali akong kausap at kung ayaw mo na, hindi ko ipipilit ang sarili ko sa ’yo,” mahinahong sabi ni Alexandria.
     Matalim ang tingin ni Blake. “Look who’s talking. Don’t act like you’re not the one who cheated first. You’re not the victim here.”
     “Hindi ko maintindihan, Blake. And didn’t you say you love me?” litong sabi niya.
     “I thought I did. I was wrong. I could never love a liar. Quits na lang tayo dahil pareho lang pala nating niloloko ang isa’t isa.”
     She was left crushed that late afternoon.
     Seven years later, Blake came back to make Alexandria remember every painful thing.

The Mountain Rancher

By Sefah Mil

     Na-assign sa bundok ang laking-Maynila na si Cara para magturo sa kindergarten class ng Luhaang Bato Elementary School. Kakaiba ang eskuwelahang iyon dahil sobrang tahimik. Kahit ang pagkanta ay bawal dahil naiirita sa anumang ingay ang ranchero sa kabilang bakod.
     Pero hindi puwede ang ganoong sistema. Kailangan niyang turuan ng mga nursery rhymes at katutubong kanta ang kanyang mga estudyante.
     Determinadong nagdesisyon si Cara. Kakanta sila sa pinakamalakas na kakayanin ng kanilang mga boses kahit na mamatay sa inis ang rancherong nagmamay-ari ng buong kabukiran. Hah!

Irresistible Allure

By Dior Madrigal

     Understatement na tawaging ‘nainis’ si Lidya sa nangyayari. Muntik na siyang ma-kidnap at nalaman niyang nakikipagkasundo ang tatay niya sa Bratva, isang Russian mafia. Para maiiwas sa kapahamakan, pinili ng kanyang tiyuhin na dalhin siya kay Ivan. Ito lang daw ang maaari nitong pagkatiwalaan para magbantay sa kanya.
     But for goodness’ sake, the guy hated her since they were kids! Ang haba ng listahan ng mga ginawa nitong masama sa kanya kahit hindi niya ito inaano. At ngayon, ang masungit na halimaw ang makakasama niya sa isang bahay habang nasa peligro ang buhay niya.
     But with the way they treat each other, they could forget about the Bratva; Lidya and Ivan might just end up murdering each other….

Forever in My Heart

By Dani Alba

     Dahil siya ang tinutulungan, siyempre wala nang nagawa si Romeya kundi tanggapin ang kondisyon ni Jacob sa pagbabayad nito ng utang ng kanyang pamilya: titira ito sa bahay niya.
     Dati na naman niyang pinauupahan ang silid na iyon, pero ngayon lang nangyari na lalaki ang makakasama ni Romeya sa ilalim ng isang bubong. Huwag nang idagdag na boss niya ang binata at pinsan ng kanyang ex-boyfriend. Alang-alang sa kanyang pamilya, hindi na lang siguro niya iisipin ang mga iyon—lalo na ang katotohanang sobrang hot ni Jacob, at madalas nanghihina ang mga tuhod niya kapag nagkakadikit sila.

Hooked on Love / Music of My Heart

By Ranisa Ynea / Mika Edelstann

Hooked on Love

     “I’ve wanted to kiss you for the longest time, Monette, but I… I didn’t know if you’d let me…”
     Ang mga mata niyang kanina pa iniiwas ay gulat na sinalubong ang tingin ni Sebastian. Bagay na gusto niyang pagsisihan dahil natagpuan niya sa mga mata nito ang mga gusto, at hindi niya gustong makita—truth, desire, longing… but not love.

Music of My Heart

     “I had to lock up the whole house for fear that you might try to escape again,” ani Rodrigo kay Verdini. Kung hindi lang nananakit ang kanyang katawan, tinakbuhan na niya ito sa sobrang takot.
     Something was telling her that this rough-looking, mysterious captor had a soft side somewhere… And it excited her just thinking about unraveling it.

Beautiful Stranger / Stranger in My Bed

By Olivia Ray / Shane Train

Beautiful Stranger

     “Alam mo, nagtataka ako sa mga babaeng na-link sa ’yo,” pang-aasar ni Kate. “I mean, look at you! Sino ba namang babae ang papatol sa isang tulad mo na nuknukan ng yabang?”
     “What I lack in virtue, I try to make up in bed.”
     Namilog ang kanyang mga mata. Pino-pollute ng lalaking ito ang isip niya! Hah! Ang unang-una niyang gagawin kapag nakaalis sa islang iyon ay ang mag-confess sa kura paroko sa bayan nila.

Stranger in My Bed

     Inatake si Lianne ng kakaibang kaba. “If t-this is not my boyfriend’s room, why did he sleep here last night? Marcus was here last night. We—”
     “He didn’t.” Parang gusto na niyang mag-panic dahil sa kaseryosohan sa mukha ni Ash.
     She could not believe her stupidity—she entered a wrong room and gave herself to the wrong man!

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!

New Release for My Special Valentine!

$
0
0

Want to read the story teasers?

Wife for Sale

By Ingrid De La Torre

     Hindi si Sari ang babaeng pinangarap ni Chase na iharap sa altar at makasama habambuhay. Magaslaw ito, madaldal, mahilig magmura at panay ang habol sa kanya. Lalo pa siyang nainis sa babae dahil ito ang may kasalanan kung bakit kinailangan niya itong pakasalan.
     Pero kung bakit naman kung kailan balak na niya itong hiwalayan ay saka nagdalawang-isip si Chase. Hindi maalis-alis sa kanyang isip ang kaseksihan ng kanyang asawa.
     Tikman mo na kasi para matahimik ka na, susog sa kanya ng isang parte ng isip. Lalo mong inaayawan, lalo kang matatakam, pangungulit ng isang boses sa likod ng kanyang utak.

Love Waits

By Elise Estrella

     Ang sabi ng mga mommies nila na matalik na magkaibigan, nasa sinapupunan pa lang daw sila ng mga ito, best friends na rin sila. Sabay silang lumaki, pumasok sa school, at nagdalaga at nagbinata. Noong college lang sila nahiwalay dahil Mass Communications ang course ni Lizzie habang Fine Arts ang kinuha ni Bailey. Matagal na niya itong crush—kung magiging honest ang dalaga sa sarili, mula pa noong ma-realize niyang lalaki ito at babae siya.
     Pero isang pangyayari ang nagpabago ng buhay ng kanyang kaibigan. Bigla, hindi na ito iyong simple at mahiyaing best friend niya. Ibang babae na rin ang palaging katabi nito, at hindi siya.
     Lizzie had a bad feeling that she was going to lose her friend. And never in a million years would she ever be ready for it….

Love and Other Disasters

By Helene Del Mundo

     Ang tanging interes ni Katrina Lontoc sa opposite sex ay ang pagkakitaan ang mga ito. Erotica writer siya at iyon ang tanging bahagi ng buhay niya na may bahid ng ‘romance’. Pagkatapos, niligtas siya ni Andrew Magallanes mula sa malaking baha.
     Hindi niya nagugustuhan ang mga reaksyon niya sa presensya ng binata. Kapareho lang ng sa ibang lalaki ang isinasaad ng tingin na ibinibigay nito: You’re desirable and I want you. Pero habang iyong iba ay sinampal ni Katrina, si Andrew ay gusto niyang hilahin, halikan, at bigyan ng indecent proposal.
     Kung kalimutan muna kaya niya ang kanyang mga reservations at subukan ‘iyon’ kasama si Andrew? For research purposes lang naman….

Steal My Heart

By Anna Chavez

     Nakulong sila sa isang kuwartong may negative five degrees na temperatura, at isang paraan lang ang naisip ni Troy na puwede nilang gawin para hindi sila mamatay. Iyon ay subukang ilabas ang init ng kanilang mga katawan.
     Hindi na inosente si Macy para hindi malaman kung paano iyon gagawin, and she was so disgusted with the idea. Pero nang simulan ng binatang haplusin ang kanyang pisngi, nang maramdaman niya ang init ng hininga nito ay nakumbinsi siya. Lalo na nang maglapat na ang kanilang mga labi.
     Sa init ng mga halik ng binata ay hindi lang nakasiguro si Macy na makaka-survive siya sa lamig. Bigla ring may nagbalik sa kanyang alaala, na naging daan para ma-realize niya na mahirap pala talagang kalimutan ang unang halik, lalo na kung mararamdaman mong muli iyon sa parehong tao na nagbigay niyon sa iyo….

How to Win Him Back / Come back to Me

By Mari Calingayan / Dior Madrigal

How to Win Him Back

     Mark my word, Randal. I’ll win you back. Iyon ang desididong sabi ni Ellie sa isip. She was past the denial stage at natanggap na niya sa sarili na mahal pa rin niya ang dating nobyo.
     But he made it obvious he did not want to be burned by love again especially—make that, most especially—not with her….

Come Back to Me

     “I know exactly how desperately you tried to search for something you can call your own. Ngayon, ’eto na.” Huminga si Edward nang malalim. “Aim for the stars, Andy. Then, come back to me. I’ll wait for you here on earth.”
     Parang nalusaw ang kanyang puso. Pero kailangan pa rin niyang gawin ang dapat gawin. Hindi niya gustong maikasal sa binata dahil lamang sa moral obligation… o dahil compatible sila physically. She wanted real love from Edward—that, or nothing at all….

Fight for Love / My Beloved Enemy

By Dream Giban / Roma Nympha

Fight for Love

     “I don’t do commitments, baby. Don’t fall in love with me,” seryosong sabi ni Rigo. “I want you, heck, I’ve wanted you since that night we first met. But—”
     “Iba ang gusto sa mahal,” dugtong ni Carina sa nahuhulaan niyang sasabihin nito.
     He had just broken her heart. But Carina would be a greater fool if she would let him break her ego as well….

My Beloved Enemy

     Ginawa ni Jason na miserable ang buhay ni Anne Dianne noong mga bata pa sila. Labinlimang taon ang lumipas, muli silang nagkita. At ngayon, hindi na lang sila basta magkababata kundi soon-to-be husband and wife na rin. Mariin man ang pagtanggi niyang pakasalan ang binata, lumulukso ang kanyang puso sa tuwing nakikita ito.

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!

New Release for My Special Valentine Premium!

$
0
0

Want to read the story teasers?

Teased

Valhalla (Book 1 of 3)
By Dior Madrigal

     Aksidenteng nadiskubre ni Celine ang lihim ng negosyo ng kanyang kuya. Minabuti niyang i-blackmail ang kanyang best friend para makapasok sa club na pag-aari ng kapatid at ng mga kaibigan nito.
     Kaso nasalubong nila ang kanyang Kuya Calder at para makaiwas, pumasok siya sa isang bukas na kuwarto at doon nagtago.
     Malay ba niyang naroon ang kasosyo ng kuya niya na si Alec at naghihintay ng ‘appointment’ nito para sa gabing iyon!
     Hindi inakala ni Celine na mapapagkamalan siya ng binata bilang iyong babaeng hinihintay nitong makasama sa kama. At hindi rin niya inakalang hindi pala niya kayang i-resist ang pang-aakit ng lalaki.

Tempted

Valhalla (Book 2 of 3)
By Dior Madrigal

     Walong taon nang engaged sina Xandra at Calder, pero hindi pa rin napag-uusapan ang tungkol sa kasal. Ang mas masama pa, masyado itong malamig at distant sa kanya. Detached.
     Siguro kasalanan din ni Xandra. Apat na taon na ang nakakaraan, may nagawa siyang isang bagay na naging dahilan kaya naghiwalay sila. Pero nang mangailangan ng tulong ang kanilang kompanya, kay Calder pa rin siya humingi ng tulong. He could have discarded her but instead, he saved her and became her anchor when she needed it most.
     She owed him this. Pero hindi niya alam kung paano makokontento sa isang relasyong walang init; parang isang business deal na walang halong emosyon.

Tantalized

Valhalla (Book 3 of 3)
By Dior Madrigal

     Brant Perez de Tagle doesn’t appreciate people who try to control him, lalo na kung ang taong iyon ay ang mismo niyang lolo. Iniutos nito na mag-asawa siya at magkaanak at ipanakot na ipagigiba ang shelter for battered women and children, kung saan nanatili sila ng kanyang ina sa loob ng ilang taon.
     Minabuti niyang galitin ito lalo. Pinili ni Brant si Sonya—thirty-nine years old, diborsyada, at ilehitimong anak ng isang mayamang negosyante—a woman his grandfather believes is not worthy of the Perez de Tagle name. Pero magiging pekeng fiancée lang niya ang babae sa loob ng isang buwan, wala sa plano ang totohanang pagpapakasal… lalo na ang mabuntis ito.

My Fair Lady Guard

By Elise Estrella

     Busy sa pagpapakasarap sa buhay si Casper nang di-sinasadyang masaksihan niya ang isang krimen. Nagbago ang kanyang buhay dahil doon. Tatlong beses may nagtangkang patayin siya at sa kagustuhang wala nang masaktan pa ulit dahil sa kanya, minabuti niyang lumayo muna hanggang sa makarating siya sa Solano, Nueva Vizcaya.
     Para namang lahat na ng kamalasan sa mundo ay ibinagsak na kay Casper nang ma-snatch ang kanyang bag. Mabuti na lang, may lady guard na tumulong sa kanya at pinatira pa siya sa bahay nito.
     Maganda si Leya, hindi lang sa panlabas kundi pati ang puso nito.
     But Casper had no right to want her….

Discuss these books and more at our Facebook page!

If you are interested to buy any of these books, please check our online bookshop to see if we have them in stock. Thank you!

Cure For A Broken Heart

$
0
0

By Jessie Yannah

     Matapos silang iwan ng kanyang ama noong bata pa siya at maloko ng dalawang lalaki, nangako si Chloë sa sarili na kailanman ay hindi na siya ulit masasaktan pa ng kahit na sinong lalaki. Man-hater na tuloy ang panukso sa kanya ng mga katrabaho.
     Pero simula nang makilala niya ang bagong kasamahang nurse na si Matthew, wala nang gabing hindi niya ito iniisip, at aaminin niyang masaya siya kapag kasama ang binata. Kumbaga, lumambot ang puso niya noong makilala niya ito.
     Gayunpaman, hindi maialis ni Chloë sa sarili ang matakot na masaktan ulit. Kayanin kaya ni Matt na gamutin ang kanyang puso?


Doctor Love

$
0
0

By Abby Herrera

     Mula noong fourteen years old siya, crush na ni Yelen si Damon De Guia—ang best friend ng kanyang kuya na halos ampunin na rin ng kanilang pamilya. Kaso little sister lang yata ang tingin nito sa kanya at walang kaide-ideya sa pagsintang pururot niya para rito. Nang lakas-loob siyang umamin noong gabi ng kanyang graduation party, rejection ang napala niya.
     Ngayong nagbalik ito sa bansa, hindi na niya sana gustong makadaupang-palad ito kahit pa imposible iyon.
     Pero ngayong ipi-feature ng magazine nito ang clinic niya, mukhang pahihirapan siya nitong makaiwas. Dagdag sa pagkaasiwa ni Yelen ang kaalamang lalo lamang gumuguwapo si Damon habang lumilipas ang panahon….

No Sweeter Love

$
0
0

By Tina Vaughn
(Translation by Helene Del Mundo)

Maligayang Pagdating sa Union
Populasyon: 994
Town Motto: Kung saan walang lihim na hindi nahahayag
     Dahil sa pagkamatay ng ama, napilitan si Dr. Ryan Williams na bumalik sa bayang kanyang sinilangan—at sa babaeng iniwan niya sampung taon na ang nakakaraan. Alam niyang mas makabubuting iwasan na niya ang Union sweetheart at police officer na si Emily Winters sa pagbisita niyang iyon. Pero paano? Habang nakakulong sa maliit na bayang iyon, pinaglalabanan niya ang atraksyon na hindi pinakupas ng panahon, pero hindi maiiwasan ang apoy sa pagitan nila—at ang mga tsismis. Ang parehong mga usapin na naging dahilan ng pag-alis niya sa Union in the first place.
     Itinuro ng karanasan kay Emily na panatilihing nakataas ang depensa—at panties—niya. Hanggang sa bumalik si Ryan kasing-bilis ng pag-alis nito noon, at hinaruyo siya ng mga pangakong alam naman
niyang hindi nito kayang tuparin. O iyon lamang ang inisip niya. Ang bago at mas mature na Ryan ay may
kakayanang magbigay ng habang-buhay, at kung iaadya ng Diyos, kapatawaran. Dahil habang inaaral nilang muling magtiwala at magmahal sa isa’t isa, alam ni Emily na sa oras na ihayag niya ang kanyang sekreto, hindi maiiwasang muling mabiyak ang puso niya….

Ang Pagwawala ni Nicola

$
0
0

By Sefah Mil

      Maraming bawal sa relihiyon ni Nicola. Bawal magpagupit ng buhok at magsuot ng sleeveless blouses at maiiksing damit. Mabait siyang tagasunod at mananampalataya hanggang sa ma-diagnose siyang may tumor sa utak. At dahil walang perang pampagamot, pinili na lang ng dalaga na i-enjoy ang kanyang buhay. Ginupit niya at kinulayan ng blonde ang buhok saka nagsuot ng mga damit na labas ang kilikili.
      Dahil sa kanyang ‘paglaladlad’ ay napansin tuloy siya ni Brad Soliven, ang supladong negosyanteng gustong magpa-demolish ng kanilang kapilya.

Target

$
0
0

By Elise Estrella
Alpha Squad (Book 2)

     Nagulat si Cressy nang makilala kung kanino siya magiging personal nurse. May sort of ‘tampo’ at inis siya kay Petty Officer First Class Mark Jethro Sanderson matapos nitong piliin ang mas maganda niyang kaibigan para siyang kumuha ng vitals nito noong tamaan ito ng bala sa likod ng hita.
     Hindi siya ilusyonada pagdating sa hitsura niya, pero ikinasama ng kanyang loob na tinanggihan siya nito para sa kasamahan niyang may malalaking dibdib. Lalo pa’t may pinakatatago siyang crush sa binata.
     At ngayong pansamantala itong bulag, responsibilidad niya ang lalaki. Parang gusto niya itong kalbuhin sa konsumisyon, pero marami palang perks ang pagiging nurse ni Jethro—kagaya ng pagsama rito sa banyo kapag kailangan nitong maligo….

My Eyes Adore You

$
0
0

By Edna Reyes

     Bonn Alarcon is going blind. Mahirap para sa kanya ang tanggapin na mababago ang lahat sa kanyang buhay sa sandaling tuluyan siyang mawalan ng paningin. Upang makaiwas sa panguusisa ng mga kaibigan, ipinasya niyang lumayo.
     Everything seems fine until he finds himself struggling with falling in love with Mayette. Ang dalaga ang naging personal staff niya at nagsilbing mata habang patuloy na nanlalabo ang kanyang paningin. Mula nang dumating siya sa Encabo Hotel, alam na niyang attracted siya rito, at ito sa kanya. Pero disente siyang lalaki at ang patulan ang fascination ng isang gaya ni Mayette ay wala sa kanyang karakter.
     Gayunpaman, hindi niya alam kung hanggang kailan niya magagawang pigilan ang sarili na pagmasdan ito habang may paningin pa siya….

Viewing all 70 articles
Browse latest View live